Ang Pag-ibig ay Tapat

My Bromance (2014) [Apolocine.blogspot][(068414)17-29-52]

Anu-ano nga ba ang ating gusto
Sa pag-ibig na di pilit at totoo
Tao nga nama’y kanya-kanya
Ang pita nitong makita at madama

Nais mo ba iyong kiss sa public
Kahit sa paligid ay maraming adik
Iiwan nya ito para ika’y may maitago
Tao sa paligid ay lumalabo

Iyong kasama ka sa mga plano
Ikaw ay kanyang paborito
Kahit di mo hinihiling
Lagi syang katabi at kapiling

Iyong ipapakilala ka sa mga magulang
Upang ang pagsasama’y di kulang
Tanggap kayo ng kanyang pamilya
Daga sa dibdib ay kayang-kaya

Iyong ipapakilala ka sa mga kaibigan
Walang arteng hahalikan at hahagkan
Sa harap nilang hindi namimintas
Dahil ang tunay na kaibigan ay patas

Iyong kahit wala kayong ginagawa
Nakasalampak sa sofa at nakatunganga
Magkahawak ang kamay o magkayakap
Pawang mga isipa’y nasa alapaap

Iyong nakikinig at sumasabay
Sa mga kantang puno ng saysay
Ang titik at tono
Tagos hanggang puso

Marahil ang mga ito ay di pa sapat
Marami pa kayong gustong isatsat
Basta’t tandaan na ang pag-ibig
Mula sa puso’t gawa, di sa bibig

Ating isapuso at ikalat
Pinakamahalaga dapat
Upang tanan ay sapat
Ang pag-ibig ay tapat

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s